Laugh.Live.Love ♥∞
MENG was the given name . A femme who blogs about her daily life and happenings being in a lesbian relationship .
What mine is mine, so back off. Posted on Jul 21st (8:48am), 1 day ago
Goodmorning Sunday . Godbless us . 

Goodmorning Sunday . Godbless us . 

Nutella Dispenser . Ahhhhhh . 

Nutella Dispenser . Ahhhhhh . 

Bye Glenda!

Mapangwasak talaga tong si Glenda . Gabi ng June 15 nagpasya ako na maglaba . Inubos ko lahat ng labahan namin ni derder . Very sweet ang clingy si derder nun . Inaway kasi nya ako , haha . Natapos ako ng mga bandang 9pm . Ung iba kong sampay sinampay ko sa labas , ung mga sando ni derder at boxer shorts . Hindi naman umuulan nun . Mga 1am nagising ako kasi parang may umaangge sa mukha ko . Ung bintana pala di ko nasarado . Umuulan na pala . Bumangon ako para sagipin ung mga sinampay ko . Pagbukas ko ng pinto ang lakas ng ulan at hangin , grabe . Si derder tulog pa din . Gang naipasok ko na lahat . Gumawa ako sampayan sa may sala dun nagising si derder at tinatanong kung ano daw ngyare . After nun umidlip kami ng konti tas nagising ng 3am . Lalo lumakas ung ulan at hangin kaya naisip namin na magtaas na ng mga gamit . Naitaas namin lahat maliban sa ref . Napakabigat nya at habang tinataas namin un nagtatawanan kami kaya nakakaubos din ng lakas . Tnx God at naitaas namin sa wakas ung ref . Huhu . Grabe talaga bigat non . Sya ang pinakamabigat sa lahat ng itinaas namin . After non nahiga na ulit kami matutulog sana ulit bigla naman nawalan ng kuryente . Ung portable na radio buti nafull chardge ko kaya nakinig kami ng balita . Mga 5 am nagkaron ulit ng kuryente maya maya nawala ulit . Umaga na dun na nagsimula humataw si Glenda . Ang ingay ng mga bubong namin nakakatakot kasi baka liparin . Bantay din kami sa may palaisdaan sa likod kasi ang lakas ng hangin baka lumaks din ung alon at mangyari ulit ung dati . Walang tigil at walang sawa si Glenda . Gang 9 am naisip namin na kumain . Ang matindi wala pala kami kakainin . Kasi nagrocery nga kami puo tsitsirya ang nabili namin wala man lang noodles , haha . Buti may mauutusan . Cup noodles at hotdog at mga wafer kinain namin ni derder . After kumain naligo na kami at natulog ulit .  Nagising bandang 3pm . Maganda na ang panahon pero mainit kasi wala pa din kuryente . Nagpasya syang mamalengke. Magluluto daw ng adobo . Maaga kamikumain . Mga 6pm . Madilim kasi . Nilagnat din si derder . Gang natapos ang magdamag wala pa din kuryente at sa mga oras na ito . Buti dito sa opisina meron . Medyo maulan pa rin kasi may bagong bagyo na naman . Si Henry naman . Keep safe evryone .. Mua !

Posted on Jul 17th (1:28pm), 5 days ago

Kagabi sa kabilang kwarto ako natulog . Tiniis ko ang lamok at ang init don . Hindi sa ayoko makatabi si derder naiinis lang ako kasi ang likot likot nya sa kama feeling ko nananadya . Magkaaway pa rin kasi kami nun . Niyakag nya naman ako kumain paulit ulit nga pero mas pinili ko wag sumabay kasi alam ko galit sya at hindi din naman ako sanay na kakain kami na parang di magkakilala . Ung tahimik . Pinauna ko na sya kumain ako pagkatapos nya . Kaninang umaga katok sya ng katok sa pintuan kaya binuksan ko kasi hinihingi nya ung susi . Sinusuyo nya na ako na sabay na kami maligo , etc . Pero ayoko talaga . Nagalit sya .. Ano daw bang inaarte ko . Ako pa daw talaga ang galit kaya napikon ako . Dun na nagsimula ang Word War lll . Hy . Ayon after naman namin mag away sinuyo nya na ulit ako . Mag asikaso na daw ako . Niyakap nya ako ng mahigpit . Walang sorry galing sa kanya o miski sa akin . Ung yakap sapat na un para malaman ko at maramdaman na ok na si derder . Humupa na ang gyera . Nauna na sya pumasok kasi late na sya 8.30 na sunod na lang daw ako . Kaso tinatamad ako gusto ko din maglaba kasi may bagyo baka wala na kami maisuot . Pero di nagtagal sinundo nya na ako sa bahay . Kasi aalis daw sya . Nasa tric wala di ko pa din sya kinikibo . Wala lang . Kinuha nya ung ryt hand ko at nilagay nya sa bewang nya . Nagpapayakap . Hyyyy .. Ayun naging ok na kami ulit . Nagsasalita na sya pag kinakausap at nagsasalita na din ako kahit di ako kinakausap . :D Ang tagal na din naming di nag aaway ng ganon . Ngayon na lang ulit naulit . 

Posted on Jul 15th (2:52pm), 1 week ago
I still love you . Posted on Jul 15th (11:24am), 1 week ago

Kinuha nya na ung pera sa bag at ipapadala nya na ngayon . Galit pa din kasi galit sya nagtatanong kung nasan ung id ko . Galit din ako sumagot na nandyan sa bag pero ung totoo nanginginig na ung panga ko kasi gusto ko na maiyak . Nagalit ulit sya at sumigaw na ako pa daw talaga ang galit . Hy . Hindi ako kakain mamaya . Ayoko sya makasabay muna . 

Posted on Jul 14th (4:43pm), 1 week ago
When I am sad I shall eat chocolate and sing happy songs . .

When I am sad I shall eat chocolate and sing happy songs . .

W a i t i n g …

W a i t i n g …

Kahit kelan talaga di ako naging fan ng kare-kare … #karekare

Kahit kelan talaga di ako naging fan ng kare-kare … #karekare

Kahapon sinamahan ko si derder magpafacial sa Lets Face It . Bago kami nagpunta don nagbabasa basa na ako ng mga review tungkol sa kanila . Hindi daw maganda ang service , etc . Ang tagal ko inantay sa waiting area si derder . Huhu . Sabi nya 1 hr lang daw un pero feeling ko forever na un . Haha . Ayun nga satisfied naman ako sa kinalabasan kasi nakita ko agad ung glow ng mukha nya . Malinis na . Wala ng mga bheads . Nakakatawa nga kasi ung mukha nya parang kinagat ng 10 bubuyog . Pantal pantal pero nawala din naman agad . Hindi ko alam kung ano pinagawa nya basta bukod sa facial my eklabu pa na ginawa para sa mga acne nya . Tas mga pang maintenance . Total cost mga P2500 cguro . Sa 17 may follow up check up sya for free . Naiinggit ako sa kanya kasi wala inggitera lang talaga ako . Sabi ko ipafacial nya ako . Wag na daw kasi malinis naman mukha ko . Wala din naman ako mga acne at kung magkaron man once in a blue moon lang . Pero kasi nakakainggit . Inggit na inggit ako . Never ko pa natry magpaganun kasi . Eh sabi ni derder pag nagstart daw ako magpaganon tas napabayaan ko magkakabutas butas ung mukha ko . Feeling ko kasi madami ako bheads sa gilid ng ilong . Tsaka wheads . Haha . Tapos masakit pa daw . Tiis ganda daw talaga . Pero sa 17 di ako papayag na hindi nya ako ipaganon . Hmm .. Mag aaway talaga kami , charot ! :D Hahahaha . 

Posted on Jul 14th (9:55am), 1 week ago
While waiting for her ..

While waiting for her ..

😃😋

😃😋

Makakahinga na ako ng maluwag . Sa wakas nasbi ko na din kay derder na nghihingi ng pera ung kapatid ko pambayad sa PTA nila . 1 week ko din binuo sa isipan ko kung paano ko ba sasabihin sa kanya un . Baka kasi magalit sya kasi syempre nakabudget na ung pera namin . Pero syempre di ko din naman pwede di bigyan ung mga un . SInabi ko sa kanya nung paalis na kami bago mamalengke . Hy buti di nagalit . Gumaan na ung pakiramdam ko . 

Posted on Jul 13th (9:28am), 1 week ago

Some fights start from small nonsense things. Through the years, you’ll learn to reconcile without having to talk much about what had happened. You’ll learn to forget that very small reason why you fight and you’re going to laugh about it because that was a total nonsense. Though, that may not be the last time you’ll fight over small things, perhaps you have learned to always forgive and forget and more importantly to laugh together and moved on from it as if it didn’t happen.

Posted on Jul 13th (7:55am), 1 week ago
/ before